【IMPORTANT / Para sa mga foreign nationals na may residence status sa Japan 】Kinakailangan ang PCR test certificate sa pagpunta ng Japan.

COVID-19

Ayon sa anunsyo ng Japanese Ministry of Foreign Affairs, bilang isang karagdagang hakbang laban sa coronavirus, ang isang foreign nationals na may residence status sa Japan na nagbabalak pumunta ng Japan ay kinakailangan sumailalim sa COVID test sa loob ng 72 hours bago ang boarding at makakuha ng certificate na nagpapatunay na “negatibo” ang resulta.

Mula sa anunsyo na ito, sa muling pagpasok ng Japan ay kinakailangan isumite ang mga dokumento na mula sa Local Medical Institution na nasa ibaba.(Mangyaring kumuha ng pang sariling kopya.)

■Dokumento (sundin ang format na nakasaad)
https://drive.google.com/file/d/1umH2zdmRYgULw0kQmj4Ruvrp-nr51x6P/view?usp=sharing

Mangyaring suriin ang website ng Ministry of Foreign Affairs para sa mga tiyak na detalye at pamamaraan.

Ministry of Foreign Affairs:https://www.mofa.go.jp/ca/fna/page25e_000334.html