【IMPORTANTE】Patungkol sa electronic registration form papunta sa Manila at Cebu (*12/7 update)

Airport Information

Simula July 15, 2020, pagpasok sa Manila Airport o Cebu Mactan Airport ay kinakailangan mag-register sa mababanggit na URL sa ibaba.

Lalo na sa pagpasok sa Cebu ay siguraduhing mag-register bago ang flight. Kung ang naka-book na flight ay direct patungong Manila, ngunit nabago ito at naging connecting flight na dadaan sa Cebu ay kinakailangan rin mag-register sa Cebu Mactan Airport online registration form.

I-click lamang ang link sa ibaba para mag-register:

Traze Mobile Application *Mandatory*

Ayon sa regulasyon ng Philippine Department of Transportation ay kinakailangan gumamit ng Traze Mobile Application ang mga pasahero na mag-arrive at mag-depart sa paliparan ng Pilipinas.

Kinakailangan mag-register bago ang flight. Kung ikaw ay may Smart Phone at hindi nai-download at naka-register sa application ay maaring hindi payagan makapasok ng paliparan.
Para sa mga walang Smart Phone ay mangyaring pumunta sa “Malasakit Helpdesk” sa paliparan at kumuha ng Unique QR Code.
Siguraduhing huwag iwala ang iyong Unique QR Code.
Maaari rin mag-register gamit ang Smart Phone ng iyong kaanak.

Maaaring i-download ang Traze App sa ibabang link o QR Code:
https://www.traze.ph/

Mangyaring pindutin ang “Register” na makikita sa Login screen ng application.
Pagkatapos ay piliin ang “Individual” at kinakailangan kumuha ng iyong litrato habang nagrerehistro.

Arriving MANILA(online electronic registration form)

①For Returning Overseas Filipinos (ROFs): https://bit.ly/MNLPALeCIF
*Para sa Foreigners at ROFs.
*Maaaring mag-register 3 araw bago ang flight.
*Kinakailangan mag-hintay sa inyong booked hotel hanggang lumabas ang resulta ng COVID test at ng Medical Certificate mula sa Bureau of Quarantine(BOQ).
*Maaaring suriin sa nasa ibabang link ang approved hotels ng BOQ.
Listahan ng PAL partner hotels na inspected ng DOH: https://www.philippineairlines.com/en/~/media/files/coronavirus/manilahotel/2_mnl%20hotel%20list_27oct20.pdf?la=en
Kumpletong listahan ng hotels na inspected ng DOH: https://bit.ly/3hDeBhd

②For OFWs(For Overseas Filipino Workers): https://e-cif.redcross.org.ph/
*Para sa land-based at sea-based OFWs.
*Maaaring mag-register 3 araw bago ang flight.

③For land-based OFWs, click here to access OASIS: http://oasis.owwa.gov.ph/
*Para sa land-based OFWs lamang.
*Kinakailangan mag-register 5 araw bago ang flight.

Matapos makumpleto ang pag-register, mangyaring i-save ang confirmation email at QR Code upang maipakita ito sa anumang oras na kinailangan sa Paliparan.

Electric Health Locator Form at Arrival Card

Form: https://bit.ly/MNLArrivalCard


*Sa una ay may lalabas na error na “接続はプライベートではありません”. I-click lamang ang “詳細を表示” pagkatapos ay piliin ang “webサイトを閲覧” upang makapasok sa website.

Pagkatapos mag-check in sa online o sa airport counter ay mangyaring i-fill out ang Electric Health Locator Form at Arrival Card(mag-kasama na ito sa iisang QR code).
Mangyaring i-save ang QR code at ipakita ito sa opisyal ng Immigration.

Arriving CEBU(online electronic registration form)

Home | Mactan-Cebu International Airport
Explore Mactan-Cebu International Airport and the things you can do at the friendliest gateway to your destination

Matapos makumpleto ang pag-register, ang “Travel Reference Number”at Barcode ay lalabas sa screen. Mangyaring i-screenshot ito sa iyong smartphone o i-print para maipakita sa oras na kinailangan.

*Sa kasalukuyan ay madalas na nagbabago ang iskedyul at ruta, kaya’t mangyaring i-check nang regular sa Philippine Airlines ang status ng iyong flight.